Munting Kaalaman mula kay Kuya! (No.3-2017)
ANG SERPENTINA BILANG HALAMANG GAMOT?
Kung sa kapaitan na siguro ang
pag-uusapan wala na sigurong tatalo sa halamang ito dahil tinagurian din itong
“The King of Bitters” napakapait na halaman, pero sa tanim ni Kuya ito ang
pinaka marami niyang tanim, paano ba naman sa dami din naman taglay nitong
makukuhang benepisyo para sa ating katawan matutuwa kang alagaan at hindi
mahirap padamihin. Bago yan gusto ni Kuya na ibahagi sa inyo ang mabisang taglay
at benepisyo ng halamang gamot na serpentina.
Katawagan: Serpentina (sa Tagalog);
Java devil peper, Serpent wood, Rauwolfia (sa English); Yin do she mu (sa
Tsina).
Scientipikong pangalan: Robecia
Serpentina
NAPATUNAYAN na gamot sa maraming sakit
ang serpentina. Ang halamang ito ay mula sa India ginagamit ito bilang
pangontra sa nakakalasong pana ng mga kalaban, may matatagpuan din sa Java,
Himalayas, Assam, at Malaya Peninsula. Ang dahon ng serpentina ay parang sili,
pero mas makintab, may sukat na mula dalawa hanggang tatlong pulgada, may tulis
sa dulo at berdeng-berde ang kulay. Ang bulaklak ay maliit na kulay puti.
Itinatanim ito sa bakuran at mas lumalago sa malilim na lugar.
TANONG: ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL
NA MAAARING MAKUHA SA SERPENTINA KUYA?
Sa sustansya at kemikal hindi papahuli
ito nandito ang mga sumusunod:
1). Ang halaman serpentina ay may mayaman sa
aktibong kemikal alkaloid reserpine.
2). Lumabas sa pag-aaral na mayaman ang
halamang serpentina sa: phytosterols, oleic acid, unsaturated alcohols, 5
alkaloids na klasipikado sa dalawang (2) grupo: tatlo (3) sa ajmaline group,
white crystalline, weak bases, ajmaline, ajmaliine, at ajmalicine; At dalawa
(2) sa serpentine group, yellow crystalline na matapang ilang ulit, serpentine,
serpentinine, metal, at canceolytic.
3).
Ang ugat ng halamang serpentina ay mayaman din sa dalawang (2) klaseng
alkaloids (1% sa pinatuyong ugat nito).
TANONG: ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG
GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO KUYA?
1). Dahon. Ang dahon ng serpentina ang
pangunahing bahagi ng halaman na ginagamit bilang halamang gamot. Maaari itong
ilaga at inumin na parang tsaa, o kaya’y ipantapal sa bahagi ng katawan. Ito
rin ay pinatutuyo at ihinahalo sa tubig upang mainom na parang tsaa, ginagawa
din bulbos ang dahon nito at inilalagay sa isang kapsula o sisidlan gamot. Sa
mga katutubo nilulunok ito ng 3-5 piraso ng dahon na kasabay lamang ay tubig. Nagatataglay
ng walang kasing pait na lasa.
2). Ugat. Ang ugat ng serpentina ay
mainam ilaga, patuyuin man o hindi.
TANONG: ANO ANG MGA SAKIT O KONDISYON
NA MAAARING MAGAMOT NG SERPENTINA KUYA?
Sa mga sakit at kondisyon ito ang mga
sumusunod:
1). DIABETES o BLOOD SUGAR. Mainam ang
pinatuyong dahon nito bilang kapsula inumin ng mga taong matataas ang asukal sa
dugo ito’y nakapagbibigay balanse sa asukal sa dugo.
2). KAGAT NG ASO o AHAS. Mainam ang
katas ng halamang serpentina na ipahid o ilagay sa sugat na tinamo sa pag-kagat
ng mga hayop gaya ng Aso at Ahas nilalabanan nito ang infection o rabbies.
3). KORIKONG, GALIS at FUNGUS. Mainam
ang pinaglagaan o katas ng halamang serpentina sa taong may-korikong o galis sa
katawan dahil nag tataglay ito ng mga panlaban sa bacteria o fungus.
4). BODY PAIN, ANTI-INFLAMMATORY
(PAMAMAGA). Mainam ang ugat na pinulbos na nasa kapsula inumin ng mga taong may
pananakit ng katawan at pamamaga.
5). MALARIA. Mainam ang ugat at dahon
na pinulbos na nasa kapsula inumin ng mga taong may malaria.
6). SAKIT SA ATAY O APDO. Ang pag-inum
ng pinulbos ng halaman at ugat ng serpentina ay mainam sa mga taong may
karamdaman sa atay at apdo tumutulong ito sa paglaban sa mga nakakalasong
kemikal sa ating katawan.
7). LAGNAT. Mainam na inumin ang
pinulbos na dahon o nilaga (mapait) sa taong may lagnat.
8). ANTIOXIDANT. Ang pag-inum ng pinulbos
na halamang serpentina ay mainam panlaban sa mga ugat ng karamdaman sa ating
katawan.
9). PREBESYON SA ATAKE SA PUSO @
STROKE. Ang pag-inum ng pinulbos na
halamang serpentina ay mainam bilang panlaban sa mga dugong bumabara sa ating
mga ugat at muscle ng ating puso.
10). PROBLEMA SA DUGO. Ang pag-inum ng
pinulbos na halamang serpentina ay mainam bilang panlaban sa pagkalason ng dugo
o maging panlinis ito ng dugo.
11). UBONG WALANG PLEMA. Mainam ang
pinulbos na dahon ng serpentina na inumin sa ubong mahirap makalabas ang plema.
12). IMMUNE BOOSTER. Pinatitibay ng
pinulbos na halamang serpentina ang ating immune system sa mga sakit na
maaaring kumapit sa ating katawan.
13). PROBLEMA SA REGLA. Mainam inumin
ang pinulbos o nilagang dahon at ugat ng serpentina sa mga babaeng may problema
sa buwanang dalaw.
14). BULATE. Ang paglunok ng sariwang
dahon ng serpentina ay mainam sa taong may impeksyon sa tiyan likha ng bulate.
15). CANCER. Mainam inumin ang pinulbos
na halamang serpentina kasama ugat, laban sa mga kanser cell sa ating katawan.
Ang dami palang dulut na benepisyong
kagamutan Kuya “The King” nga! Oo naman, at hindi lang iyon na pag-alaman ko sa
patuloy na pag-aaral ng mga eksperto sa halamang ito natuklasan nilang may
sangkap ito laban sa naka-mamatay sa HIV o AIDS? (patuloy parin ang
isinasagawang pag-aaral).
Ano gusto mo na rin bang magtanim ng Serpentina?
Pero may basehan na taglay. Kaya patotoo na “All GOD creations has a GOOD
PURPOSE” hindi lang isa marami pa. Mahalin natin ito at alagaan. Muli po
maraming salamat & God Bless!