Munting Kaalaman mula kay Kuya! (No.2-2017)
ANO ANG TUNGKOL SA SAKIT NA GOITER O BOSYO?
Isa
na naman pong magandang kaalaman sa lahat, sa mga tagatangkilik ni kuya.
Marahil ang ibabahagi kong kaalaman ay isa sa mga lumalalang sakit natin mga
filipino na sa nakikita at napapansin ko ay kulang sa impormasyon ang karamihan
sa atin, kung ano, paano, at bakit nagkakaroon ng ganitong karamdaman? Ang
tinukoy po ni kuya ay ang sakit na “Goiter” o Bosyo. Ano nga ba ang goiter? Ang “Goiter o Bronchocele” ang tawag sa
thyroid gland na lumaki o paglaki ng leeg ng tao, sa dako ng lalagukan/
gulung-gulungan (Adam’s Apple) at babagtingan (Larynx). Karaniwang tawag din na
“Bosyo”. Ang paglaki ng thyroid gland ay sanhi ng kakulangan sa Iodine (Iodine
deficiency) sa katawan ng tao. Sa ganitong uri ng karamdaman, ang thyroid ay
bumubuo ng labis o kakaunting hormones o kaya’y may bukol o nodule na tumutubo
sa mismong “gland” o glandola.
TANONG: KUYA, ANONG GLANDOLA (GLAND) BA ANG
SINASABI MO AT ANO ANG IMPORTASYA NITO SA ATIN?
Ang thyroid gland ng tao! Alam nyo ba na ang
thyroid gland ay syang responsable sa paggawa ng ‘THYROID HORMONES’ na
kailangan ng ating katawan. Ang tao ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang klase
ng goiter o bosyo depende kung mayroong mga sintomas na dala ng sobra (o
kulang) sa paggawa ng thyroid hormones ; at kung ang paglaki nito ay may bukol
(o wala).
TANONG: KUYA, MAY KATAWAGAN BA SA KLASE
NA GOITER KUNG SOBRA O KULANG SA PAGGAWA NG THYROID HORMONES?
Opo! Kung sobrang thyroid hormones ang
ginagawa, ang tawag dito ay “HYPERTHYROIDISM”, at kung kulang naman ay
“HYPOTHYROIDISM”.
TANONG: ANO NAMAN PO ANG TAWAG SA MGA
NAGAGAWANG THYROID HORMONES KUYA?
Sa pagkakaroon ng goiter , patuloy pa
ring nagtatrabaho ang thyroid gland ng tao – maaaring sapat pa rin ang dami ng
nailalabas nitong hormones nguni’t kapos o labis sa nagagawang ‘Thyroxine’ at
‘Triiodotyronine’. Ang dalawang hormones na ito ay umaagos sa daluyan ng dugo
at mahalagang kasangkapan sa pagregula ng metabolism ng katawan. Kailangan din
sila upang mapanatiling wasto ang paggamit ng katawan ng fats at carbohydrates.
Nasa tama ang temperature ng katawan, at normal ang pagtibok ng puso. Maliban
dito, may iba pang maaaring dahilan sa pagkakaroon ng goiter ng isang tao.
TANONG: KUYA, ANO BA ANG DAPAT GAWIN NG
ISANG TAONG MAY HINALANG MAY GOITER?
Kung may nakikitang palatandaan na
mayroon ngang sakit na goiter , ito’y nagpapahiwatig na may problema sa
nutrisyong iodine ang taong iyun. Mayroong mga pagsusuring ginagawa (TSH, T4,
T3, FT3, FT4, thyroid antibodies; thyroid scan o ultrasound) upang matiyak ang
kalagayan ng thyroid gland. Kung minsan ay ginagawa rin ang “Fine Needle
Aspiration Biopsy” (FNAB) upang makakuha ng kapirasong laman mula sa bukol ng
goiter at makasiguro kung ito ay pamamaga lamang o baka kanser na ito.
TANONG: KUYA, MAY PREBENSYON BA PARA
MAKAIWAS SA KAKULANGAN NG IODINE NA SYANG SANHI NG PAGKAKAROON NG GOITER?
Magandang tanong! Ang kakulangan sa
iodine ay maiiwasan sa pagkain makakatulong sa pangkaragdagan iodine sa katwan
gaya ng mga sumusunod: isda, alimango, hipon, talaba, pusit, halamang dagat
(seaweed) at iba pang pagkaing mayaman sa iodine. Ang paggamit ng asinng may
iodine o iodized salt ay higit na ipinapayo para maiwasan ang goiter. Isa pang
mabuting pinagmumulan ng iodine para sa mamamayan ay ang iodized vegetable oil
na nakapagbibigay ng iodine sa katawan sa loob ng isang taon. Ito ay angkop
lalung-lalo na kung ang pinagmumulan ng iodized salt ay hindi tiyak. Ang inumin
ay pwede ring lagyan ng iodine ; ito’y angkop sa mga inuming pambahay o
pampaaralan. Ang iodine sa tubig inumin ay nakapagpapalinis ng tubig at
nakapagtatanggal ng mikrobiyo.
Tandaan po natin na ang Iodine ay
substansiyang lubos na kailangan para sa normal na paglaki at mabuting
kalagayan ng ating katawan at utak. Sa ating habang-buhay na pangangailangan sa
iodine ay hindi lalampas sa isang kutsarita. Kahit ito ay maliit lamang, ang
iodine ay dapat na naroroon na bago pa ang ating kapanganakan hanggang sa ating
katandaan.
TANONG: KUYA, PAANO KUNG MALAKI NA ANG
BUKOL NA GOITER ANONG MGA PAMAMARAN ANG DAPAT GAWIN?
Ang mga goiter na lubhang malaki na at
marami nang bukol ay mabuti pang tinatanggal na sa operasyon. Mayroon din
namang mga goiter na tinutunaw o sinusunog sa pamamagitan ng “radioactive
iodine” (RAI). Ang uri ng paggamot sa lumalaking goiter ay isinasangguni na sa
isang doctor na bihasa sa ganitong karamdaman o “Endocrinologist”.
GANITO PALA KUYA KUNG MAGPAPABAYA TAYO
SA PAGSUPORTA NG IODINE SA ATING KATAWAN! Malamang yan ang kakahinatnan. Pero
dapat ko rin ipabatid sa lahat lalong-lalo na sa mga kababaihan ang aking
natuklasan!
“Ayon sa FNRI 2008 National Nutrition
Survey (NNS) ang kalagayan ng iodine sa mga batang 6 – 12 ay sapat lang (132
mcg/L kung ikukumpara sa normal na 100 mcg/L). Subali’t sa mga babaeng buntis ,
ang lagay ng iodine ay kulang (105 mcg/L; normal ay dapat 150 – 249 mcg/L);
gayundin sa mga babaeng nagpapasuso (81 mcg/L; normal ay dapat 100 mcg/L).
Nagpapatunay ito na ang Pilipinas ay mayroong problema sa nutrisyong iodine ng
mga babaeng buntis at nagpapasuso. Sila ay dapat bigyan ng masugid na kaalaman
tungkol sa paggamit ng iodized salt sa kanilang pagluluto at pagkain. Sila rin
ay dapat himukin sa wastong pagkain ng mga mayayaman sa iodine sa hapag kainan
at sa pagkakaroon ng regular check-up sa mga doctor o health workers sa
kanilang mga thyroid gland , lalung-lalo na at ang kababaihan ang madalas na
magkakaroon ng goiter o bosyo.”
Ngayon kayo po ba’y namulat sa halaga
ng “IODINE” sa ating katawan?
Muli po isa na naman bahagi ang
naipaabot ni kuya sa atin lahat. Maraming Salamat po & God Bless!
No comments:
Post a Comment