Wednesday, March 29, 2017

ANO BA ANG “SPIRULINA” O LUMOT (ALGAE) BILANG HALAMANG GAMOT KUYA?

Munting Kaalaman mula kay Kuya! (No.1-2017)

SPIRULINA (Lumot; Alga; Algae) Bilang Halamang Gamot?
Magandang halamang gamutan na naman po sa lahat ng mga taga-subaybay ni Kuya! Ito po ang unang pagkakataon muli na magbahagi na naman si Kuya ng munting kaalaman para sa lahat. At ang una ko pong ibabahagi sa lahat ay hindi komon na ginagamit ngunit may iba at iilan na naririnig na po nila ito at maaaring sumubok na? At ito ang “SPIRULINA” o LUMOT (Alga; Algae).
Upang maintindihan at maunawaan po ng lahat  mainam po munang bahagian kayo ni Kuya ng munting kaalaman tungkol sa mundo ng mga Halaman.
 Atin na pong lakbayin ang mundo ng MGA HALAMAN o “Plantae”.  Ano ba ang mga halaman? Ito’y isang malaking grupo ng mga nilikhang bagay na may buhay. Binubuo ito ng iba’t ibang miyembro tulad ng mga puno, baging, damo at lumot. Ang mga luntiang halaman, na tinatawag rin bilang mga metaphyte, ay kumukuha ng enerhiya mula sa liwanang sa pamamagitan ng proseso ng photosynthesis. Ang photosynthesis ay bumubuo ng asukal, ang pangunahing pagkain ng mga halaman, mula sa tubig at carbon dioxide.
Si Aristotle naman ang siyang unang naghati ng mga buhay na bagay sa dalawang kaharian at ito yung (1). Mga hindi gumagalaw ngunit mga buhay na bagay at ito ang Mga Halaman.
(2). Ito ay ang Mga Hayop.
Sa sistema ni Linnaeus ang mga kahariang hinati ni Aristotle sa dalawa (2) ay kanya naman pinangalanan at ito ay naging Mga Kaharian ng Vegetabilia (Metaphyta o Plantae) at Animalia (Metazoa).
Dahil sa ang ibabahagi ni Kuya ay tungkol sa "Spirulina" bilang halamang gamot? Ugatin natin kung ano ba ito? Ang Spirulina ay isang uri ng “Lumot” (Ingles; Moss) ngunit ang lumot ay ang pangkalahatang tawag sa lahat ng mga uri ng mga nakakain at hindi nakakain alga (Algae), isang halamang-dagat. Ang spirulina ay ay nasa klasipikong “cyanobacteria” itoy tumutukoy sa mga asul-berdeng alga (blue-green algae) maliliit, malalambot, magkakatabi at luntiang halaman na may pagkakulot na straktura at tumutubo na mukhang karpet sa ibabaw ng mga batuhan may parteng katubigan, kalupaan at kapunuan. Pinaniniwalaan ng ang mala asul-berdeng alga na ito ayon sa mga antropologists at biologists na isa ito sa pinaka matandang pagkain mula pa sa sina-unang tao? At ito’y nabuhay na 3.5 bilyong taon na ang nakalipas?
Ang pangalang spirulina ay hango sa salitang latin na “helix” o spiral (ingles) dahil nga sa straktura nitong pagkakulot kung sisipatin sa isang microscope.

Scientipikong pangalan: Arthrospira plantesis; Arthrospira maxima.


Katawagan:Spirulina, Lomot , Alga (sa Tagalog); Macroalgae, Phytoplankton (Ingles).

TANONG: SAAN BA MATATAGPUAN ANG SPIRULINA KUYA?
Ang Spirulina ay matatagpuan sa maraming sariwang dagat tubig na tabang at ilog, kasama na dito ang talon at sapa. Ang iba naman ay nabubuhay sa fish pond. Sa mga lugar kung saan malayo sa mga pestisidyo, na may sikat ng araw, normal o mainit na temperatura ng tubig. Madali ang pagdami nito at matagal ang buhay.
TANONG: ANO NAMAN ANG BENEPISYONG HATID NG HALAMANG SPIRULINA KUYA?
Ang halamang spirulina ay may mayamang sangkap gaya ng Protina, Mga Bitamina, Mga Mineral, Carotenoids at Antioxidants na makakatulong sa pag-protekta at pag-kumpuni ng mga nasirang selula at matatagpuan din dito ang mayamang sangkap na Beta-carotene, na alam naman natin na pangunahing panlaban sa kanser at higit sa 2000 enzymes na nakapaloob sa bitamina at mineral na makukuha sa halamang ito.
TANONG: PAANO BA ANG PAG-PROSESO NITO KUYA KUNG GAGAMITIN BILANG ALTERNATIBONG PANG-GAMUTAN?
Sa pamamagitan ng pagpapatuyo ng halamang ito sa isang malinis na lalagyanan na ingatan sa mga insektong nagdudulot ng peste o dumi na maaaring makontamina ito, at pagkatapos mabilad o mapatuyo ito pwede na syang gawin pulbos o powder na pwedeng gawin tsaa, ihalo sa pagkain o inumin gaya ng mga natural juices. Ang iba naman ay inilalagay sa mga empty capsules o prosesong tableta.(Ngunit ang prosesong ito ay kailangan ng masusing pagiingat gawa ng kontaminasyon). 
TANONG: ANO NAMAN ANG HATID NA KAGAMUTAN O MAAARING KALUNASAN NG HALAMANG SPIRULINA KUYA?
Yan ang parteng paborito ni Kuya! Alam nyo ba na ang spirulina ay mainam sa mga sumusunod:
1). KANSER – Dahil sa taglay nitong yaman sa beta-carotene. Taglay ng halaman na ito maaaring  malabanan nito ang mga selulang kanser sa katawan ng tao.
2). KAKULANGAN SA BITAMINA AT MINERAL – Para sa mga taong may problema sa kanilang immune system na bitamina at mineray mga sangkap ng pagpapatibay nito, mainam ang spirulina upang maibalik ang kakulangan sa mga bitamina at mineral gaya ng Iron at B12. Sakop narin nito ang malnutrisyong problema sa katawan.
3). ANTI-AGEING (KATANDAAN) – Mainam ang spirulina at maaaring maging laban sa katandaan bilang pagkain ng katawan, madali kasi itong idigest ng ating tiyan o panunaw at kargado ng “Anti-oxidant” na syang mainam na lumilinis ng ating digestive system.
4). LABAN SA MGA FREE RADICALS O SAKIT – Ang pinatuyong spirulina ay mainam at maaari na panlaban sa mga free radicals o ibat-ibang klase ng sakit na tumatama sa ating katawan gaya ng mga nakukuha natin sa usok o polusyon, impeksyon sa sugat, sa pagkain, at stress.
5). KOLESTEROL – Ang pinatuyong spirulina ay mainam din sa mga matataas ang kolesterol sa katawan o yung may problema sa cardiovascular system. Maaaring labanan nito ang pagtigas ng mga arteries at strokes sa ating katawan at tumutulong sa pag-papababa ng blood pressure.
6). PROBLEMA SA TIYAN – Ayon sa mga isinagawang pag-aaaral at pagdiskubre napatunayan na ang spirulina ay maaaring magbigay lunas sa mga problema sa tiyan dulot ng mga hindi magandang pagkain na naipapasok dito, na nag-reresulta sa impeksyon dulot din ng bakterya na ecoli at candida yeast. Sa tulong ng halamang ito binubuo nya ang mga lactobacillus sa ating tiyan at maaaring malunasan nito ang pananakit ng tiyan o constipation.
7). NAKAPAG-AALIS NG TOXINS – Ang halamang spirulina ay maaaring makatulong sa pag-alis ng mga nakakalasong kemikal  gaya ng mga may allergic reaction sa mga kemikal na kanilang nalanghap o nainum sa ating katawan?Ang pinatuyong halamang ito ay mainam na inumin bilang prebensyon.
8). PROBLEMA SA GATAS NG INA – Ang spirulina ay mayaman din sa tinatawag na “gamma-linolenic acid” or GLA isa sa mga sangkap sa pagpapadede ng gatas ng ina. Ang pag-inum sa pinatuyong dahon ng spirulina ay maaaring makatulong sa pagbibigay ng magandang kalusugan at pagpapatibay sa digestive system ng sanggol.
ANG DAMI PALANG HATID NA KAGALINGAN ang Halamang Spirulina Kuya!
Opo! At hindi lang iyon.. Alam nyo ba ang pinag-kaiba ng halamang ito sa ordenaryong halaman?
Ito yung kakayanan niyang mag-absorb ng mataas na sikat ng araw at nabubuhay sa mataas na init ng temperature at bahaging matataas. At sa resulta sa abilidad ng halaman na ito sa pagkuha ng mataas na enerhiya mula sa araw, ilan sa mga makalumang gumagamit nito ay pinapatungkol nila ang spirulina bilang isang “life force energy with a powerful healing and rejuvenative effect on the human body, mind and spirit”. May naaalala ba kayong pelikulang ganyan na sumikat?

Well..! Isa na naman pong paghahatid ng munting kaaalaman mula kay Kuya. Tandaan ang lagging sinasabi ni Kuya.. Hindi Kapanipaniwala ngunit may kagalingang basehang taglay. Kaya patotoo na “All GOD creations has a GOOD PURPOSE” Hindi lang isa marami pa. Mahalin natin ito at alagaan. Muli po maraming salamat & God Bless sa lahat!

1 comment:

ANO BA ANG “SERPENTINA” BILANG HALAMANG GAMOT KUYA?

Munting Kaalaman mula kay Kuya! (No.3-2017) ANG SERPENTINA BILANG HALAMANG GAMOT? Kung sa kapaitan na siguro ang pag-uusapan wala na ...

Popular Posts