Wednesday, March 29, 2017

ANO BA ANG “SERPENTINA” BILANG HALAMANG GAMOT KUYA?

Munting Kaalaman mula kay Kuya! (No.3-2017)

ANG SERPENTINA BILANG HALAMANG GAMOT?
Kung sa kapaitan na siguro ang pag-uusapan wala na sigurong tatalo sa halamang ito dahil tinagurian din itong “The King of Bitters” napakapait na halaman, pero sa tanim ni Kuya ito ang pinaka marami niyang tanim, paano ba naman sa dami din naman taglay nitong makukuhang benepisyo para sa ating katawan matutuwa kang alagaan at hindi mahirap padamihin. Bago yan gusto ni Kuya na ibahagi sa inyo ang mabisang taglay at benepisyo ng halamang gamot na serpentina.

Katawagan: Serpentina (sa Tagalog); Java devil peper, Serpent wood, Rauwolfia (sa English); Yin do she mu (sa Tsina).
Scientipikong pangalan: Robecia Serpentina
NAPATUNAYAN na gamot sa maraming sakit ang serpentina. Ang halamang ito ay mula sa India ginagamit ito bilang pangontra sa nakakalasong pana ng mga kalaban, may matatagpuan din sa Java, Himalayas, Assam, at Malaya Peninsula. Ang dahon ng serpentina ay parang sili, pero mas makintab, may sukat na mula dalawa hanggang tatlong pulgada, may tulis sa dulo at berdeng-berde ang kulay. Ang bulaklak ay maliit na kulay puti. Itinatanim ito sa bakuran at mas lumalago sa malilim na lugar.

TANONG: ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA SERPENTINA KUYA?
Sa sustansya at kemikal hindi papahuli ito nandito ang mga sumusunod:
1). Ang halaman serpentina ay may mayaman sa aktibong kemikal alkaloid reserpine.
2). Lumabas sa pag-aaral na mayaman ang halamang serpentina sa: phytosterols, oleic acid, unsaturated alcohols, 5 alkaloids na klasipikado sa dalawang (2) grupo: tatlo (3) sa ajmaline group, white crystalline, weak bases, ajmaline, ajmaliine, at ajmalicine; At dalawa (2) sa serpentine group, yellow crystalline na matapang ilang ulit, serpentine, serpentinine, metal, at canceolytic.
3). Ang ugat ng halamang serpentina ay mayaman din sa dalawang (2) klaseng alkaloids (1% sa pinatuyong ugat nito).
TANONG: ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO KUYA?
1). Dahon. Ang dahon ng serpentina ang pangunahing bahagi ng halaman na ginagamit bilang halamang gamot. Maaari itong ilaga at inumin na parang tsaa, o kaya’y ipantapal sa bahagi ng katawan. Ito rin ay pinatutuyo at ihinahalo sa tubig upang mainom na parang tsaa, ginagawa din bulbos ang dahon nito at inilalagay sa isang kapsula o sisidlan gamot. Sa mga katutubo nilulunok ito ng 3-5 piraso ng dahon na kasabay lamang ay tubig. Nagatataglay ng walang kasing pait na lasa.
2). Ugat. Ang ugat ng serpentina ay mainam ilaga, patuyuin man o hindi.
TANONG: ANO ANG MGA SAKIT O KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG SERPENTINA KUYA?
Sa mga sakit at kondisyon ito ang mga sumusunod:
1). DIABETES o BLOOD SUGAR. Mainam ang pinatuyong dahon nito bilang kapsula inumin ng mga taong matataas ang asukal sa dugo ito’y nakapagbibigay balanse sa asukal sa dugo.
2). KAGAT NG ASO o AHAS. Mainam ang katas ng halamang serpentina na ipahid o ilagay sa sugat na tinamo sa pag-kagat ng mga hayop gaya ng Aso at Ahas nilalabanan nito ang infection o rabbies.
3). KORIKONG, GALIS at FUNGUS. Mainam ang pinaglagaan o katas ng halamang serpentina sa taong may-korikong o galis sa katawan dahil nag tataglay ito ng mga panlaban sa bacteria o fungus.
4). BODY PAIN, ANTI-INFLAMMATORY (PAMAMAGA). Mainam ang ugat na pinulbos na nasa kapsula inumin ng mga taong may pananakit ng katawan at pamamaga.
5). MALARIA. Mainam ang ugat at dahon na pinulbos na nasa kapsula inumin ng mga taong may malaria.
6). SAKIT SA ATAY O APDO. Ang pag-inum ng pinulbos ng halaman at ugat ng serpentina ay mainam sa mga taong may karamdaman sa atay at apdo tumutulong ito sa paglaban sa mga nakakalasong kemikal sa ating katawan.
7). LAGNAT. Mainam na inumin ang pinulbos na dahon o nilaga (mapait) sa taong may lagnat.
8). ANTIOXIDANT. Ang pag-inum ng pinulbos na halamang serpentina ay mainam panlaban sa mga ugat ng karamdaman sa ating katawan.
9). PREBESYON SA ATAKE SA PUSO @ STROKE.  Ang pag-inum ng pinulbos na halamang serpentina ay mainam bilang panlaban sa mga dugong bumabara sa ating mga ugat at muscle ng ating puso.
10). PROBLEMA SA DUGO. Ang pag-inum ng pinulbos na halamang serpentina ay mainam bilang panlaban sa pagkalason ng dugo o maging panlinis ito ng dugo.
11). UBONG WALANG PLEMA. Mainam ang pinulbos na dahon ng serpentina na inumin sa ubong mahirap makalabas ang plema.
12). IMMUNE BOOSTER. Pinatitibay ng pinulbos na halamang serpentina ang ating immune system sa mga sakit na maaaring kumapit sa ating katawan.
13). PROBLEMA SA REGLA. Mainam inumin ang pinulbos o nilagang dahon at ugat ng serpentina sa mga babaeng may problema sa buwanang dalaw.
14). BULATE. Ang paglunok ng sariwang dahon ng serpentina ay mainam sa taong may impeksyon sa tiyan likha ng bulate.
15). CANCER. Mainam inumin ang pinulbos na halamang serpentina kasama ugat, laban sa mga kanser cell sa ating katawan.

Ang dami palang dulut na benepisyong kagamutan Kuya “The King” nga! Oo naman, at hindi lang iyon na pag-alaman ko sa patuloy na pag-aaral ng mga eksperto sa halamang ito natuklasan nilang may sangkap ito laban sa naka-mamatay sa HIV o AIDS? (patuloy parin ang isinasagawang pag-aaral).
Ano gusto mo na rin bang magtanim ng Serpentina? Pero may basehan na taglay. Kaya patotoo na “All GOD creations has a GOOD PURPOSE” hindi lang isa marami pa. Mahalin natin ito at alagaan. Muli po maraming salamat & God Bless! 

ANO PO BA ANG “ GOITER O (BOSYO) ” NA KARAMDAMAN KUYA?

Munting Kaalaman mula kay Kuya! (No.2-2017)

ANO ANG TUNGKOL SA SAKIT NA GOITER O BOSYO?

Isa na naman pong magandang kaalaman sa lahat, sa mga tagatangkilik ni kuya. Marahil ang ibabahagi kong kaalaman ay isa sa mga lumalalang sakit natin mga filipino na sa nakikita at napapansin ko ay kulang sa impormasyon ang karamihan sa atin, kung ano, paano, at bakit nagkakaroon ng ganitong karamdaman? Ang tinukoy po ni kuya ay ang sakit na “Goiter” o Bosyo. Ano nga ba ang goiter? Ang “Goiter o Bronchocele” ang tawag sa thyroid gland na lumaki o paglaki ng leeg ng tao, sa dako ng lalagukan/ gulung-gulungan (Adam’s Apple) at babagtingan (Larynx). Karaniwang tawag din na “Bosyo”. Ang paglaki ng thyroid gland ay sanhi ng kakulangan sa Iodine   (Iodine deficiency) sa katawan ng tao. Sa ganitong uri ng karamdaman, ang thyroid ay bumubuo ng labis o kakaunting hormones o kaya’y may bukol o nodule na tumutubo sa mismong “gland” o glandola.
TANONG: KUYA, ANONG GLANDOLA (GLAND) BA ANG SINASABI MO AT ANO ANG IMPORTASYA NITO SA ATIN?
Ang thyroid gland ng tao! Alam nyo ba na ang thyroid gland ay syang responsable sa paggawa ng ‘THYROID HORMONES’ na kailangan ng ating katawan. Ang tao ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang klase ng goiter o bosyo depende kung mayroong mga sintomas na dala ng sobra (o kulang) sa paggawa ng thyroid hormones ; at kung ang paglaki nito ay may bukol (o wala). 
TANONG: KUYA, MAY KATAWAGAN BA SA KLASE NA GOITER KUNG SOBRA O KULANG SA PAGGAWA NG THYROID HORMONES?
Opo! Kung sobrang thyroid hormones ang ginagawa, ang tawag dito ay “HYPERTHYROIDISM”, at kung kulang naman ay “HYPOTHYROIDISM”.
TANONG: ANO NAMAN PO ANG TAWAG SA MGA NAGAGAWANG THYROID HORMONES KUYA?
Sa pagkakaroon ng goiter , patuloy pa ring nagtatrabaho ang thyroid gland ng tao – maaaring sapat pa rin ang dami ng nailalabas nitong hormones nguni’t kapos o labis sa nagagawang ‘Thyroxine’ at ‘Triiodotyronine’. Ang dalawang hormones na ito ay umaagos sa daluyan ng dugo at mahalagang kasangkapan sa pagregula ng metabolism ng katawan. Kailangan din sila upang mapanatiling wasto ang paggamit ng katawan ng fats at carbohydrates. Nasa tama ang temperature ng katawan, at normal ang pagtibok ng puso. Maliban dito, may iba pang maaaring dahilan sa pagkakaroon ng goiter ng isang tao.
TANONG: KUYA, ANO BA ANG DAPAT GAWIN NG ISANG TAONG MAY HINALANG MAY GOITER?
Kung may nakikitang palatandaan na mayroon ngang sakit na goiter , ito’y nagpapahiwatig na may problema sa nutrisyong iodine ang taong iyun. Mayroong mga pagsusuring ginagawa (TSH, T4, T3, FT3, FT4, thyroid antibodies; thyroid scan o ultrasound) upang matiyak ang kalagayan ng thyroid gland. Kung minsan ay ginagawa rin ang “Fine Needle Aspiration Biopsy” (FNAB) upang makakuha ng kapirasong laman mula sa bukol ng goiter at makasiguro kung ito ay pamamaga lamang o baka kanser na ito.
TANONG: KUYA, MAY PREBENSYON BA PARA MAKAIWAS SA KAKULANGAN NG IODINE NA SYANG SANHI NG PAGKAKAROON NG GOITER?
Magandang tanong! Ang kakulangan sa iodine ay maiiwasan sa pagkain makakatulong sa pangkaragdagan iodine sa katwan gaya ng mga sumusunod: isda, alimango, hipon, talaba, pusit, halamang dagat (seaweed) at iba pang pagkaing mayaman sa iodine. Ang paggamit ng asinng may iodine o iodized salt ay higit na ipinapayo para maiwasan ang goiter. Isa pang mabuting pinagmumulan ng iodine para sa mamamayan ay ang iodized vegetable oil na nakapagbibigay ng iodine sa katawan sa loob ng isang taon. Ito ay angkop lalung-lalo na kung ang pinagmumulan ng iodized salt ay hindi tiyak. Ang inumin ay pwede ring lagyan ng iodine ; ito’y angkop sa mga inuming pambahay o pampaaralan. Ang iodine sa tubig inumin ay nakapagpapalinis ng tubig at nakapagtatanggal ng mikrobiyo.
Tandaan po natin na ang Iodine ay substansiyang lubos na kailangan para sa normal na paglaki at mabuting kalagayan ng ating katawan at utak. Sa ating habang-buhay na pangangailangan sa iodine ay hindi lalampas sa isang kutsarita. Kahit ito ay maliit lamang, ang iodine ay dapat na naroroon na bago pa ang ating kapanganakan hanggang sa ating katandaan.
TANONG: KUYA, PAANO KUNG MALAKI NA ANG BUKOL NA GOITER ANONG MGA PAMAMARAN ANG DAPAT GAWIN?
Ang mga goiter na lubhang malaki na at marami nang bukol ay mabuti pang tinatanggal na sa operasyon. Mayroon din namang mga goiter na tinutunaw o sinusunog sa pamamagitan ng “radioactive iodine” (RAI). Ang uri ng paggamot sa lumalaking goiter ay isinasangguni na sa isang doctor na bihasa sa ganitong karamdaman o “Endocrinologist”.
GANITO PALA KUYA KUNG MAGPAPABAYA TAYO SA PAGSUPORTA NG IODINE SA ATING KATAWAN! Malamang yan ang kakahinatnan. Pero dapat ko rin ipabatid sa lahat lalong-lalo na sa mga kababaihan ang aking natuklasan!
“Ayon sa FNRI 2008 National Nutrition Survey (NNS) ang kalagayan ng iodine sa mga batang 6 – 12 ay sapat lang (132 mcg/L kung ikukumpara sa normal na 100 mcg/L). Subali’t sa mga babaeng buntis , ang lagay ng iodine ay kulang (105 mcg/L; normal ay dapat 150 – 249 mcg/L); gayundin sa mga babaeng nagpapasuso (81 mcg/L; normal ay dapat 100 mcg/L). Nagpapatunay ito na ang Pilipinas ay mayroong problema sa nutrisyong iodine ng mga babaeng buntis at nagpapasuso. Sila ay dapat bigyan ng masugid na kaalaman tungkol sa paggamit ng iodized salt sa kanilang pagluluto at pagkain. Sila rin ay dapat himukin sa wastong pagkain ng mga mayayaman sa iodine sa hapag kainan at sa pagkakaroon ng regular check-up sa mga doctor o health workers sa kanilang mga thyroid gland , lalung-lalo na at ang kababaihan ang madalas na magkakaroon ng goiter o bosyo.”

Ngayon kayo po ba’y namulat sa halaga ng “IODINE” sa ating katawan?
Muli po isa na naman bahagi ang naipaabot ni kuya sa atin lahat. Maraming Salamat po & God Bless!


ANO BA ANG “SPIRULINA” O LUMOT (ALGAE) BILANG HALAMANG GAMOT KUYA?

Munting Kaalaman mula kay Kuya! (No.1-2017)

SPIRULINA (Lumot; Alga; Algae) Bilang Halamang Gamot?
Magandang halamang gamutan na naman po sa lahat ng mga taga-subaybay ni Kuya! Ito po ang unang pagkakataon muli na magbahagi na naman si Kuya ng munting kaalaman para sa lahat. At ang una ko pong ibabahagi sa lahat ay hindi komon na ginagamit ngunit may iba at iilan na naririnig na po nila ito at maaaring sumubok na? At ito ang “SPIRULINA” o LUMOT (Alga; Algae).
Upang maintindihan at maunawaan po ng lahat  mainam po munang bahagian kayo ni Kuya ng munting kaalaman tungkol sa mundo ng mga Halaman.
 Atin na pong lakbayin ang mundo ng MGA HALAMAN o “Plantae”.  Ano ba ang mga halaman? Ito’y isang malaking grupo ng mga nilikhang bagay na may buhay. Binubuo ito ng iba’t ibang miyembro tulad ng mga puno, baging, damo at lumot. Ang mga luntiang halaman, na tinatawag rin bilang mga metaphyte, ay kumukuha ng enerhiya mula sa liwanang sa pamamagitan ng proseso ng photosynthesis. Ang photosynthesis ay bumubuo ng asukal, ang pangunahing pagkain ng mga halaman, mula sa tubig at carbon dioxide.
Si Aristotle naman ang siyang unang naghati ng mga buhay na bagay sa dalawang kaharian at ito yung (1). Mga hindi gumagalaw ngunit mga buhay na bagay at ito ang Mga Halaman.
(2). Ito ay ang Mga Hayop.
Sa sistema ni Linnaeus ang mga kahariang hinati ni Aristotle sa dalawa (2) ay kanya naman pinangalanan at ito ay naging Mga Kaharian ng Vegetabilia (Metaphyta o Plantae) at Animalia (Metazoa).
Dahil sa ang ibabahagi ni Kuya ay tungkol sa "Spirulina" bilang halamang gamot? Ugatin natin kung ano ba ito? Ang Spirulina ay isang uri ng “Lumot” (Ingles; Moss) ngunit ang lumot ay ang pangkalahatang tawag sa lahat ng mga uri ng mga nakakain at hindi nakakain alga (Algae), isang halamang-dagat. Ang spirulina ay ay nasa klasipikong “cyanobacteria” itoy tumutukoy sa mga asul-berdeng alga (blue-green algae) maliliit, malalambot, magkakatabi at luntiang halaman na may pagkakulot na straktura at tumutubo na mukhang karpet sa ibabaw ng mga batuhan may parteng katubigan, kalupaan at kapunuan. Pinaniniwalaan ng ang mala asul-berdeng alga na ito ayon sa mga antropologists at biologists na isa ito sa pinaka matandang pagkain mula pa sa sina-unang tao? At ito’y nabuhay na 3.5 bilyong taon na ang nakalipas?
Ang pangalang spirulina ay hango sa salitang latin na “helix” o spiral (ingles) dahil nga sa straktura nitong pagkakulot kung sisipatin sa isang microscope.

Scientipikong pangalan: Arthrospira plantesis; Arthrospira maxima.


Katawagan:Spirulina, Lomot , Alga (sa Tagalog); Macroalgae, Phytoplankton (Ingles).

TANONG: SAAN BA MATATAGPUAN ANG SPIRULINA KUYA?
Ang Spirulina ay matatagpuan sa maraming sariwang dagat tubig na tabang at ilog, kasama na dito ang talon at sapa. Ang iba naman ay nabubuhay sa fish pond. Sa mga lugar kung saan malayo sa mga pestisidyo, na may sikat ng araw, normal o mainit na temperatura ng tubig. Madali ang pagdami nito at matagal ang buhay.
TANONG: ANO NAMAN ANG BENEPISYONG HATID NG HALAMANG SPIRULINA KUYA?
Ang halamang spirulina ay may mayamang sangkap gaya ng Protina, Mga Bitamina, Mga Mineral, Carotenoids at Antioxidants na makakatulong sa pag-protekta at pag-kumpuni ng mga nasirang selula at matatagpuan din dito ang mayamang sangkap na Beta-carotene, na alam naman natin na pangunahing panlaban sa kanser at higit sa 2000 enzymes na nakapaloob sa bitamina at mineral na makukuha sa halamang ito.
TANONG: PAANO BA ANG PAG-PROSESO NITO KUYA KUNG GAGAMITIN BILANG ALTERNATIBONG PANG-GAMUTAN?
Sa pamamagitan ng pagpapatuyo ng halamang ito sa isang malinis na lalagyanan na ingatan sa mga insektong nagdudulot ng peste o dumi na maaaring makontamina ito, at pagkatapos mabilad o mapatuyo ito pwede na syang gawin pulbos o powder na pwedeng gawin tsaa, ihalo sa pagkain o inumin gaya ng mga natural juices. Ang iba naman ay inilalagay sa mga empty capsules o prosesong tableta.(Ngunit ang prosesong ito ay kailangan ng masusing pagiingat gawa ng kontaminasyon). 
TANONG: ANO NAMAN ANG HATID NA KAGAMUTAN O MAAARING KALUNASAN NG HALAMANG SPIRULINA KUYA?
Yan ang parteng paborito ni Kuya! Alam nyo ba na ang spirulina ay mainam sa mga sumusunod:
1). KANSER – Dahil sa taglay nitong yaman sa beta-carotene. Taglay ng halaman na ito maaaring  malabanan nito ang mga selulang kanser sa katawan ng tao.
2). KAKULANGAN SA BITAMINA AT MINERAL – Para sa mga taong may problema sa kanilang immune system na bitamina at mineray mga sangkap ng pagpapatibay nito, mainam ang spirulina upang maibalik ang kakulangan sa mga bitamina at mineral gaya ng Iron at B12. Sakop narin nito ang malnutrisyong problema sa katawan.
3). ANTI-AGEING (KATANDAAN) – Mainam ang spirulina at maaaring maging laban sa katandaan bilang pagkain ng katawan, madali kasi itong idigest ng ating tiyan o panunaw at kargado ng “Anti-oxidant” na syang mainam na lumilinis ng ating digestive system.
4). LABAN SA MGA FREE RADICALS O SAKIT – Ang pinatuyong spirulina ay mainam at maaari na panlaban sa mga free radicals o ibat-ibang klase ng sakit na tumatama sa ating katawan gaya ng mga nakukuha natin sa usok o polusyon, impeksyon sa sugat, sa pagkain, at stress.
5). KOLESTEROL – Ang pinatuyong spirulina ay mainam din sa mga matataas ang kolesterol sa katawan o yung may problema sa cardiovascular system. Maaaring labanan nito ang pagtigas ng mga arteries at strokes sa ating katawan at tumutulong sa pag-papababa ng blood pressure.
6). PROBLEMA SA TIYAN – Ayon sa mga isinagawang pag-aaaral at pagdiskubre napatunayan na ang spirulina ay maaaring magbigay lunas sa mga problema sa tiyan dulot ng mga hindi magandang pagkain na naipapasok dito, na nag-reresulta sa impeksyon dulot din ng bakterya na ecoli at candida yeast. Sa tulong ng halamang ito binubuo nya ang mga lactobacillus sa ating tiyan at maaaring malunasan nito ang pananakit ng tiyan o constipation.
7). NAKAPAG-AALIS NG TOXINS – Ang halamang spirulina ay maaaring makatulong sa pag-alis ng mga nakakalasong kemikal  gaya ng mga may allergic reaction sa mga kemikal na kanilang nalanghap o nainum sa ating katawan?Ang pinatuyong halamang ito ay mainam na inumin bilang prebensyon.
8). PROBLEMA SA GATAS NG INA – Ang spirulina ay mayaman din sa tinatawag na “gamma-linolenic acid” or GLA isa sa mga sangkap sa pagpapadede ng gatas ng ina. Ang pag-inum sa pinatuyong dahon ng spirulina ay maaaring makatulong sa pagbibigay ng magandang kalusugan at pagpapatibay sa digestive system ng sanggol.
ANG DAMI PALANG HATID NA KAGALINGAN ang Halamang Spirulina Kuya!
Opo! At hindi lang iyon.. Alam nyo ba ang pinag-kaiba ng halamang ito sa ordenaryong halaman?
Ito yung kakayanan niyang mag-absorb ng mataas na sikat ng araw at nabubuhay sa mataas na init ng temperature at bahaging matataas. At sa resulta sa abilidad ng halaman na ito sa pagkuha ng mataas na enerhiya mula sa araw, ilan sa mga makalumang gumagamit nito ay pinapatungkol nila ang spirulina bilang isang “life force energy with a powerful healing and rejuvenative effect on the human body, mind and spirit”. May naaalala ba kayong pelikulang ganyan na sumikat?

Well..! Isa na naman pong paghahatid ng munting kaaalaman mula kay Kuya. Tandaan ang lagging sinasabi ni Kuya.. Hindi Kapanipaniwala ngunit may kagalingang basehang taglay. Kaya patotoo na “All GOD creations has a GOOD PURPOSE” Hindi lang isa marami pa. Mahalin natin ito at alagaan. Muli po maraming salamat & God Bless sa lahat!

ANO BA ANG “SERPENTINA” BILANG HALAMANG GAMOT KUYA?

Munting Kaalaman mula kay Kuya! (No.3-2017) ANG SERPENTINA BILANG HALAMANG GAMOT? Kung sa kapaitan na siguro ang pag-uusapan wala na ...

Popular Posts